Standard (EADGBE)

Intro

Lapit mga kaibigan at makinig kayo

Ako’y may dala-dalang balita galing sa bayan ko

Nais kong ipamahagi ang mga kuwento

At mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako.

(same chords apply to all verses)

Ang lupang pinanggalingan ko’y may bahid ng dugo

May mga lurong di makalipad nasa hawlang ginto

May mga punong walang dahon

Mga pusong di makakibo

Sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako.

Mula nang makita ko ang lupang ito

Nakita ko rin ang munting apoy sa puso ng tao

Binatukan ng mga kabulukan

Hanggang sa lumago

Ngayon ang puso’y may takot sa lupang ipinangako.

Lapit mga kaibigan at makinig kayo

Ako’y may dala-dalang balita galing sa bayan ko

Nais kong ipamahagi ang mga kuwento

At mga pangyayari nagaganap sa lupang ipinangako

Dati rati ang mga bukid ay kulay ginto

Dati rati ang mga ibon singlaya ng tao

Dati rati ay katahimikan

Ang musikang nagpapatulog sa mga batang

Walang muwang sa mundo.

Ngayon ang lupang ipinangako ay nagsusumamo

Patakan niyo ng luha ang apoy sa kanyang puso

Dinggin niyo ang mga sigaw ng mga puso ng tao

Kung inyong dadamhin kabilang sa inyo.

Duol mga kaigsuonan ug paminaw kamo

Duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko

Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya

Nga nagakahitabo sa banwang gisaad nato