Standard (EADGBE)

Intro

Magulang, makinig kayo

Sa aral ng kantang ito

Magulang, sana'y gabay kayo

Sa landas na tatahakin ko...

REF:

Ba't ako nakakulong

Sa mundong gumugulong

Ba't ako'y litung-lito

Sa buhay ay tuliro

Saan patutungo...

Magulang, ako ba'y huwaran

Ng anak na nasa lansangan

Magulang, ano ang sandigan

Ng lahat ng katotohanan...

REF 2:

Sanlibu't isa ang naglundagan

Sa bangin ng kapalaran

Iabot mo ang iyong kamay

Kung ikaw ang siyang gabay

At maliwanagan...Magulang...

Instrumental

Magulang, unawain ninyo

Ang lahat ng pagkukulang n'yo

Magulang, ituwid ninyo

Ang lahat ng kamalian n'yo...

REF 3:

Ituro n'yo ang tamang daan

'Wag lamang sa salita

Nais kong masaksihan

Na ang inyong ginagawa

Ay para sa kapakanan ng mga bata...

Coda

Magulang (magulang)

Makinig kayo (makinig kayo)

Magulang (magulang)

Mahal namin kayo (mahal namin kayo)

Magulang (magulang)

Makinig kayo (makinig kayo)

Magulang...