Standard (EADGBE)

Intro

Stanza:

Gusto ko sanang kumanta ng kantang masaya

Masigla, maligaya, makulay

Ipakita and diwa ng pagmamahalan

Ngunit iba ang aking nararamdaman kasi

May patayan sa kalye, may naglolokahan sa palengke

Mga batang sabog, mga pulis na tulog

Sari-saring sangkatutak na pulube

(Do Stanza CP)

Gusto ko sanang kumanta ng kanta ng pag-ibig

Kasi sa puso ng Pilipino talagang yan ang himig

Gusto ko sanang kumanta ng kantang malambing

Ngunit sa tuwing sisimulan ako’y naiiling

Sa amoy ng tambak na basura, sa kababuyan ng mga kongresista

Mga taong may sakit, mga tiyang namimilipit

Kumakalam walang lamang mga sikmura

(Do Stanza CP)

Hindi ko kayang kumanta ng kanta na pang-crush at pang-syota

Hindi ko kayang pagbigyan ang inyong hinihiling

Mga kantang pampagaan ng inyong feelings

Naiingit ako kay Ariel, naiingit ako kay Regine

Kay Renz, kay Roselle, kay Ogie, kay Dingdong

Kay April Boy at kay Martin

Naiingit ako kay Ariel, naiingit ako kay Regine

Kay Sarah, kay Kyla, kay Paolo, kay Christian

Kay April Boy, Pops at Martin