Standard (EADGBE)

Intro

[pause]

kamukha mo si paraluman

nung tayo ay bata pa

at ang galing-galing mong sumayaw

mapabugi man o cha cha

ngunit ang paborito

ay pagsayaw mo ng el bimbo

nakakaindak, nakakaaliw

nakakatindig balahibo

pagkagaling sa skwela ay didiretso na sa inyo

at buong maghapon ay tinuturuan mo ako

Chorus

magkahawak ang ating kamay

at walang kamalay-malay

na tinuruan mo ang puso ko

[break]

na umibig ng tunay

nanigas ang aking katawan

pag umikot na ang plaka

sabay sa kembot ng bewang mo

at pungay ng iyong mga mata

lumiliwanag ang buhay

habang tayo'y magkaakbay

at dahan dahang dumudulas

ang kamay ko sa makinis mong braso

sana noon pa man ay sinabi na sa iyo

kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko

Chorus

la la la...la la..la la la la la la...

lumipas ang maraming taon

di na tayo nagkita

balita ko'y may anak ka na

ngunit walang asawa

tagahugas ka raw

ng pinggan sa may ermita

at 'sang gabi nasagasaan

sa isang madilim na eskinita

lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw

sa panaginip na lang pala kita maisasayaw

Chorus 2x

la la la...la la...la la la la...