Standard (EADGBE)

Refrain

Mula ng makilala ka

Di na ako nakawala

Saan saan nang dumaan

Hindi pa rin kita natatakasan

Kahit saan nang magpunta

Parang ikaw ang nakikita

At kung ako’y mapatingin

Bigla na lang naglalaho na parang hangin

Chorus

Lagi kitang dala-dala

Kahit nasan ka ngayon

Sa bawat pagkakataon

Iniisip parin kita

Kahit nasaan ka pa

Lagi kitang dala-dala

Gloc 9

(Chord Pattern: ---)

Ikaw ang lagi kong kasama kahit saan pumunta

Kahit saan makarating kung nandon ako naroon ka

Sa may quiapo sa Lawton papunta ng luneta

Naglalakad sa roxas boulevard sa may cuneta

Astrodome dire diretso sa may baclaran

Sa simbahan tuhod ng gamit gamit sa nilakaran na sahig

Pagktapos sumakay ng bus na mejo siksikan at mainit

Pamaypay lang ang remedyo

Mama para sa tabi bababa na po kami bumili ng malamig

Kasi nauhaw na kami habang kami’y nag-aabang sa ilalim

Ng alabang ang tanghalian ay manggang sinawsaw lang sa alamang

Dinaanan ng sucat pagkatapos bicutan biglang may sumigaw na babae

Sabi nadukutan kahit anong gawin nyo basta ok lang ako kasi kasama ko lagi Ang

pinakamamahal ko

Chorus

Lagi kitang dala-dala

Kahit nasan ka ngayon

Sa bawat pagkakataon

Iniisip parin kita

Kahit nasaan ka pa

Lagi kitang dala-dala

Gloc9

(Chord Pattern: ---)

Nang sumapit ang gabi dumaan sa may ayala

Gusto mong maghapunan sige maya maya na ituro mo lang sa akin

Kung meron ka nang napili sa greenbelt o glorietta gamitin mo ang yong daliri Bakit wala

kang kibo galit ka parin ba sa akin

May liham ako sayo eto subukan mong basahin

Sa loob ng MRT kasi ang trapik sa EDSA makakaupo ka rin

Pagdating sa araneta bumaba sa quezon av, uy may shooting sa

Flyover paborito mong artista na palaging nasa cover wala ka bang makita Kasi andaming

tao sige halika dito may naisip akong plano

Kumapit kalang sa akin wag na wag kang bibitaw teka medyo mataas

Wag na wag kang sisigaw kahit anong gawin nyo basta’t ok lang ako kasi

Kasama ko dito ang pinakamamahal ko

Chorus

Lagi kitang dala-dala

Kahit nasan ka ngayon

Sa bawat pagkakataon

Iniisip parin kita

Kahit nasaan ka pa

Lagi kitang dala-dala

Gloc9

(Chord Pattern: ---)

Nakita na nila ako kasalanan mo kasi akoy pinagpalit

Nahuli kita nong isang gabi napa aga ang pagdating at sa butas

Ng dingding aking nalaman na ang iyong budhi ay maiitim

Parang sugat na may asin, mahal bakit mo naatim na akoy niloko tinoyo tinoyo

Naging malagim wag mo nang isipin yon dahil dina sya babalik di narin gigising yun

Kahit pa sa isang halik dina tayo maglalayo hindi na maghihiwalay kalahati ng aking buhay

Ay nasa yong kamay patawarin mo ako kung sinaktan man kita pero matapos ang lahat

Ay hinagkan naman kita halika sumama ka sa akin sabay tayong tatalon hindi ka ba naiinitan

Sa loob ng pantaloon di ka sa kin mawawala kahit na sinong pumusta kasama ng isang singsing

Ikaw na saking bulsa, kaya

Chorus

Lagi kitang dala-dala

Kahit nasan ka ngayon

Sa bawat pagkakataon

Iniisip parin kita

Kahit nasaan ka pa

Lagi kitang dala-dala

Mula ng makilala ka

Di na ako nakawala