Standard (EADGBE)

Intro

Parang kailan lang

Ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin

Dahil sa inyo

Napunta ako sa aking nais marating

Nais ko kayong pasalamatan

Kahit man lamang isang awitin.

Parang kailan lang

Halos ako ay magpalimos sa lansangan

Dahil sa inyo

Ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman

Kaya't itong awiting aking inaawit

Nais ko'y kayo ang handugan.

Chorus

Tatanda at lilipas din ako

Ngunit mayrong awiting

Iiwanan sa inyong alaala

Dahil minsan, tayo'y nagkasama.

Parang kailan lang

Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan

Dahil sa inyo

Narinig ang isip ko at naintindihan

Dahil dito'y ibig ko kayong ituring

Na matalik kong kaibigan.