Standard (EADGBE)

Intro

2x

Isang handaan,

maraming kaibigan na

di akalaing dalawang pusong magtatagpo-

isang binata at isang dalagang malambing

Nagkuwentuhan,

saradong kanilang mundo

Walang pakialam sa iba pang mga dumalo

Nagtayo sila ng malaking dingding

At nang hipan nang kandila,

tuloy-tuloy pa rin ang saya

Maaga pa naman ang gabi

Sa inuman,

nagkabistuhan na

may tinatagong lihim nang apat na taon

Bukung-buko sa mga matang maningning

Natamaan,

hindi na nagpasundo

Panay ang ikot ng kamay ng lumang relo

Hinihintay ang tamang oras dumating

At nang maiwan na sila,

puro na lang salita

Wala rin namang nangyari kagabi

Nang umaga,

sila'y nagising na

kalat nang balita na sila na pala talaga

ngunit walang may alam sa nangyari sa dilim