Standard (EADGBE)
Intro
--- 2x
Verse
Alas singko ng umaga araw-araw
Kung ako'y dapat gumising
Mabilis kumain at mag-ayos
Para maagang makapasok
Naiwan ako ng service
Kasi ang tagal ko raw
Kasalanan ko ba na ang tagal gumamit
Ni kuya o ni ate ng banyo namin
Pre-chorus
Tumatakbo ako sa sakayan ng dyip
Sana ako ay makasakay pa
Sa buong biyahe dapat ako ay gising
Huwag makatulog at bumaba sa Baclaran
Chorus
At ganito ang araw araw ko
Sa loob ng apat na taon
Madalas akong late
Dahil trapik lagi
At ngayon ay nandito na ako
Tumitingin sa inyo
Mula sa entablado pagkalipas
Ng apat na taon
--- 2x
Verse
Alas otso ng umaga
Kalalabas lang ng office
Papunta sa aking klase na
Nakakaantok talaga
Gusto ko ngang matulog
Pero wala akong magawa
Parang megaphone ang boses ng
Aking gurong madaldal
Pre-chorus
Sampung minuto ang lumipas
Parang sampung oras ang pakiramdam
Ang tagal naman ng oras kaya tuloy
Mahimbing ang aking tulog
Chorus
At ganito ang araw araw ko
Sa loob ng apat na taon
Madalas tulog dahil
Sa aming guro
At ngayon ay nandito na ako
Tumitingin sa inyo
Mula sa entablado pagkalipas
Ng apat na taon
--- 2x
Bridge
Alas dose na ng tanghali
Ako'y kakain na
Mangungutang na naman ako
Dahil ubos na ang pera ko
Pagkatapos ng araw na ito
Ako ay uuwi na
Hindi na ako nagsawa sa
Pagtulog ko buong araw
Chorus
At ganito ang araw araw ko
Sa loob ng apat na taon
Isang libo limang daan
At sampung piso ang utang
At ngayon ay nandito na ako
Tumitingin sa inyo
Mula sa entablado pagkalipas
Ng apat na taon
--- 2x
Verse
Sa mga nakalipas na taon
Ang dami-daming nangyari
Ang daming nakilala na
Kaibigan at kaaway
Hindi ko makakalimutan
Ang lahat ng ito
Maraming salamat sa inyo sa lahat
Ng binigay niyo noong apat na taon
--- 2x then