Standard (EADGBE)

Verse 1

Eto nang mga officials ng barkada

Kanya-kanyang kalokohan ang bawat bida

Merong medyao praning, meron din namang antukin

Kumpleto sa rekado ang barkada namin

Verse 2

do the same chords)

Pinagtagpo-tagpo kami ng tadhana

Kahit pinanggalingan naming ay iba-iba

Walang pakialam kung saan mapadaan

Basta't sabay-sabay kaming nagtatawanan

Chorus

Basta nand'yan ang bawat miyembro ng tropa

Ang kalokohan ay hindi mawawala

Hindi na dapat pinag-iisipan pa

Lahat tayo ay dapat mag-saya

Verse 3

do verse chords)

Musmos pa lang magkakasama na kami

Nagkasundo kahit iba't ibang ugali

Ganyan lang talaga sa 'ming munting barkada

Kasa-kasama mo sa hirap at ginhawa

Verse 4

do the same chords)

Magkasabay mula sa pagsikat ng araw

Magkasama hanggang daigdig ay magunaw

Sa dami-dami ng aming napagdaanan

Walang tatalo sa aming pinagsamahan

(Repeat chorus)

Coda

'Di na yata magsasawa sa 'ming pagsasama-sama

At sa aming pagkanta, asahan na hindi mawawala

Ang kalokohan at ang walang pigil na tawanan

Sapagkat ang bawat kabarkada namin ay sadyang ganyan