Standard (EADGBE)

Verse chords

(A---E)

Verse 1

Hindi mo ba alam?

Na kriminal yang boyfriend mo

Nakita ko siya dati

Nagtitinda ng drugs sa kalye

(DM7---E)

Mag-ingat ka sinta

Wag kang basta magtitiwala

Verse 2

Hindi mo ba napapansin

Parang ang hina nyang kumain

Baka naman nagshashabu

Mabuti pang ipakulong na natin

Sindikato tatay nyan

Kaya siguro siya mayaman

Chorus

(A---E)

Wag ka sanang maniwala sa mga katulad niya

Di ka dapat magtiwala at iwanan mo na siya

Sapagkat mahal kita

At walang ibang magagawa

(A---E)2X

Kundi sirain ang pangalan niya

sinta

Verse 3

Nakwento ko na ba giliw?

Na ang boyfriend mo ay may pagkabaliw

Mahilig siyang kumain

Ng basura at buhangin

Ano ngayon kung pogi siya

Mukha naman siyang kontra bida

Bridge

Wag mo sanang sasabihin

Na nanggaling sa akin ang lahat ito

Ang sabihin mo na lamang ay

May nagtext sa’yo

At di mo alam kung sino