Standard (EADGBE)

Intro

Verse i

Nagsisimula pa lang

Teka muna

Pakinggan nyo kami

Kung ayos lang

Hindi naman kailangan pagpilitan

Kung ayaw mo, Okey lang

Chorus

Ang sarap ng buhay

Mga maliliit na bagay

Nagdadagdag ng kulay sa kapaligiran

Mga problemang nakakantahan

Interlude

Verse ii

(same as verse I)

Ang nagmamahal

Walang katulad

Ang hirap ng buhay

Sinabi mo pa

Pero nagagawan ng paraan

Harapin ang katotohanan

Chorus

Ang sarap ng buhay

Mga maliliit na bagay

Nagdadagdag ng kulay sa kapaligiran

Takbo ng mundo ay nasasabayan

Pagpugay

Kami ay nagbibigay pugay

Sa aming mga kasama, nakasama

Tuloy ang ligaya

Bridge

Tara sumama, umawit ka

Lagyan ng boses ang musika

Sama sama tayo

Walang iwanan

Tayo po, tayo po ang banda ng bayan

Tara sumama, umawit ka

Lagyan natin ng boses ang musika

2.Sumigaw

Verse i

Wag ka na munang mag-isip

Ng kung ano mang problema

Tanggap mo na'ng mundo'y mapaglaro

Minsan lang natatabunan ng saya

Bale wala kung enjoyin' mong mag isa

Chorus

Sumigaw,tumingin

Kung saan ka nanggaling

Harapin ang hamon ng mundong ito

(Handa ka na ba?!)

Asahan mo na na hanggang sa huli

Nandito lang kami

Verse ii

Wag mong isipin na hindi ka naintindihan

Sasabayan ka namin

Kahit ano pa yan

Minsan lang natatabunan ng saya

Sama sama tayo,halina't kumanta

repeat Chorus

Bridge

Minsan tayo ay madadapa

Kontra sa ihip ng tadhana

(Ayos lang yan)

Wag ka munang mag alala

(Ayos lang yan)

Makamali man,sagot kita

(Ayos lang yan)

Bukas ang pintuan ng barkada

Dito ka na lang muna

Chorus

Sumigaw, tumingin

Kung saan ka nanggaling

Harapin ang hamon ng buong mundo

(Handa ka na ba?!)

Asahan mo na hanggang sa huli

Nandito lang kami

Nandito lang kami

3.Nawawala

Intro

Verse i

Minsan parang dumidilim lahat

Parang isang bundok ang iyong buhat

Paano ka pupunta

Paano ka magtatagal

Kung buhay mo'y unti-nting

Nawawala

Chorus

Habang andito tayo sa mundo

Maraming bagay ang nagbabago

Interlude

Verse ii

(same as Verse I)

Ang hirap makita kung saan ka pupunta

Sa malupit na biro ng tadhana ay sawang-sawa na

Wala ka na bang magagawa

Wala na bang pag-asa pa

Ang buhay mo ba'y unti-unting

Nawawala

Chorus

Habang andito tayo sa mundo

Maraming bagay ang nagbabago

Ipikit mo ang iyong mga mata

Mayroong liwanag na dadalo

Adlib: -------

Chorus

Habang andito tayo sa mundo

Maraming bagay ang nagbabago

Ipikit mo ang iyong mga mata

Mayroong liwanag na dadalo

4.Olats

Verse i

Tigilan mo na ang pagiisip

Sa mga bagay na wala namang saysay

Kelan ba nakatulong ang pag aalala

Dimidilim lang lalo ang pagasa

Wag ka nang magulat

Wag ka nang magulat

Kantahan muna tayo

Chorus

Ganyan talaga

Talo nanaman tayo

Kahit na binuhos mong lahat

Talo nanaman tayo

Verse ii

Sabi ko na nga ba dapat nakinig ako sayo kanina

Sabi mo "Teka muna, wag kang magdesisyon ng

tagilid"

Ayan tuloy nadisgrasya

Steady ka na kanina

Kawawa naman tayo

-Chorus

-Adlib

-Chorus

Ganyan talaga

Talo na naman tayo

Kahit na binuhos mong lahat

Kahit nagdasal kang magdamag

Talo na naman tayo

5.Sayang

Intro

Verse i

Ang dami kong nadidinig na katanungan

Bakit daw? Anong nangyari?

Ang sagot ko,ewan ko hindi ko talaga alam

At ang sabi, eh paano naman kami?

Ako ay napatigil at nag-isip (nag-isip)

Ano ang sasabihin ko sa iyo?

Alam kong kailangan na malaman mo

Kailangan at may karapatan ka na malaman

Chorus

Ito ba ay paalam na?

Ito ba ay paalam na?

Ito ba ay paalam na?

Ito ba ay paalam na?

Interlude

Verse ii

(same as verse I)

Nagbuntong hininga parang di na makakilos

Di naman katapusan ng mundo

Pero ‘di naman masisisi ang nararamdaman

ng puso ko

Ganito lang talaga ako

Abangan ang susunod na kabanata

Ang pagsubok na ito sa tulong mo ay kakayanin ko

Chorus

Ito ba ay paalam na kaibigan?

Ito ba ay paalam na kapatid?

Ito ba ay paalam na kapamilya?

Ito ba ay paalam na kapuso?

Ito ba ay paalam na sinta?

Bridge

Bakit naman ako aalis?

Pinamana ko na sa inyo ang aking puso

Hindi naman ako aalis

‘Di ko ata kakayanin iwan ka

Huwag ka ng umiyak

Sayang ang luha

Sayang, sayang

Sayang ang luha