Standard (EADGBE)

I

Naitayo mo na ba ang christmas tree?

May pang regalo ka na ba sa inaanak mong marami?

Naisabit mo na ba ang parol?

Sa okasyong ito di ka na ba magagahol?

At sa pagkakakataong ito kami naman ang babati

Sana'y maibigan nyo ang mga kanta kung maaari

Magpahinga muna at sumandal lang sandali

Handa na ang aming tambol gitara at buong barkada

Koro:

Maligayang Pasko at manigong bagong taon sa inyo

Maligayang Pasko at manigong bagong taon sa inyo...oh!!!

II

Naibili ka na ba ng damit na bago?

May aginaldo ka na ba sa ninong at ninang mo?

Gawa na ba ang yong tambol na lata?

Sa noche buena ba ay may kasalo kang pamilya?

At sa pagkakataong ito kami naman ang aawit

Bagong matututunan nyong mga batang paslit

Itigil muna ang laro at samin ay lumapit

Handa na ang aming tambol, gitara at buong barkada

At sa pagkakataong ito magsama sama tayo

Pagmamahal sa kapwa ilaganap sa mundo

Sabay sabay tayong umawit sa diwa ng pasko

Handa na ang aming tambol, gitara at buong barkada

(Ulit-ulitin ang Koro)