Standard (EADGBE)

Verse i

Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip

mula ng tayoy nagpasyang maghiwalay

nagpaalam pagkat hindi tayo bagay

nakapagtataka

Verse ii

Kung bakit ganito ang aking kapalaran

di ba ilang ulit ka ng nagpaalam

bawat paalam ay puno ng iyakan

nakapagtataka, nakapagtataka

Refrain

Hindi ka ba napapagod

o di kaya nagsasawa

sa ating mga tampuhan walang hanggang katapusan

napahid nang mga luha

damdamin at pusoy tigang

wala ng maibubuga

wala na akong maramdaman

Verse iii

Walang tigil ang ulan at nasaan ang araw

napano nang pag-ibig sa isat-isa

wala na bang nananatiling pag-asa

nakapagtataka, saan na napunta?

[repeat refrain]

[adlib]

napahid nang mga luha

damdamin at pusoy tigang

wala ng maibubuga

wala na akong maramdaman

kung tunay tayong nagmamahalan

bat di tayo magkasunduan

wohh hooh

[repeat refrain]