Standard (EADGBE)

Intro

Naaalala, tayo'y magkasama

Ika'y kapiling, O, anong saya

Di maunawaan, kung bakit lumisan

Nahihirapang tanggaping wala ka na

Refrain 1

Ngunit ramdam kong nariyan ka

Nararamdaman kong di ka naman nawala

Chorus

Alam kong naririyan ka lang, aking mahal

Di ko (inakala/inasahan) na magiging ganito

Ngunit sa bawat luha ko, aking mahal

Alam kong naririto ka't ika'y makakasama

Sana'y sinabi ang di ko nasabi

At sana'y nagawa ko lahat ng di ko nagawa

Para mapakita sa 'yo ng lubusan

Na sa aking buhay ikaw ay mahalaga

Refrain 2

Ngayon ay wala nang paraan

Para ika'y makayakap at muling mahalikan

(Repeat Chorus)

Bridge

Lagi-lagi kong pinagdarasal

Na sana'y pagbigyan ng maykapal

+M7

Na muli kang makausap kahit sandali lang

+M7

Para magpasalamat at masabing minamahal kita

Patawarin mo sana

(Repeat Chorus)

Alam kong naririyan ka lang, aking mahal

Di ko inasahan na magiging ganito

Ngunit sa bawat luha ko, aking mahal

Ay naaalala ko na ang pagmamahal mong totoo

Tulad ng pagmamahal sa 'yo ay hinding-hindi maglalaho

Magpakailanman

Magpakailanman

i dedicate this song to _ _ _ _

thnx alot

Kevin Rabang

aka

-PasawaY