Standard (EADGBE)

Wala na ang araw

Nasa palad tayo ng takipsilim

Bumubulong sa atin ang hangin

Ako’y iyo at ikaw ay akin

Mga pangako ay nasusunog sa ilalim ng bituin

Ang panaginip na gawa lang sa buhangin

Wala na ang araw

Nakaluhod na ang budhi

May lihim na umiikot

Mag ingat ka baka ika’y mahulog

Mga pangako na lumiliyab sa ilalim ng bituin

May pasyon na gumagapang sa dilim

Magsasayaw sa kasalanan ng isa’t isa

Ang walang katapusang apoy nang kalikasan

Kung gusto mo pa

Wala na ang araw

Nasa lilim tayo ng buwan

Tayo na

Ang kapalaran ay kasarapan

Hangga’t wala ng ibang gagawin kundi

Maghintay ng umaga