Curse One - Ngayon Nandito Ka Chords

Learn song with the online tabulature player

Nang una kitang nakita muntikan na

Akong tangayin ng hangin sa paligid ko

Simula nang narinig ko ang boses mo ewan ko

Bakit ganito, hindi na kita maalis sa isip ko

Ikaw ang syang musikang tumutugtog sa puso ko

At gusto ko lang sanang malaman mo

Na kahit na magkalayo man tayong dalawa ay

Hindi ka mawawalay sapagkat nakalagay

(same chords)

Ang pangalan mo sa puso ko na di na mapapalitan

Wala ng ibang pwede pang makahigit sa ating mga nakaraan

Ikaw lang ang nagiisang prinsesa ko

At ako ang ninja mo tagapagbantay mo

At handang saluhin mga problema mo

Yo di ko na kailangan pa ng iba pagkat wala ng iba pang

Pwede pumalit sayo ikaw lamang ang nagiisa

At kahit na madami man ang dumaan at dumating

Walang silang taglay ng tulad ng sayo aking sinta

Chorus

Ngayong nasa akin ka na

Ang yong kamay hindi ko na muling bibitawan pa

At di ko na muling hahayaan na lumuha ang yong magandang mata

Asahan mo nandito lang ako para lang sayo

At ang puso kong ito'y nakalaan para lang sayo

2nd verse (Kawayan):

Para bang naglalakbay na sa alapaap

Sa tuwing ika'y nakakausap at

Makita ka lang ito na'y sapat (2x)

Sana'y maniwala ka mga sinasabi ko sayo ay mula sa puso

Sana na madama mo kung gano ito katotoo

Kahit nasa malayo ka aking tutuparin aking mga ipinangako

Asahan di magbabago ang nararamdaman ko para sayo

Wala ng araw na di kita inisip

At walang gabi na nawala sa panaginip pinipilit

Mahagilap ang isang katulad mo

Hindi ako napapakali pag di ko nakamusta kalagayan mo

Kaligayahan ko ang ika'y aking sundin at mapaglingkuran

Sabihin mo lamang kung kailan kailangan walang alinlangan ako'y

Paparyan:

Ikaw ang aking bituin na, naaabot lamang sa aking tingin

Mamahalin kita na hindi katulad ng

Iba na puro salita na di naman kayang panindigan

Halika rito o lumapit ka... di na kita papakawalan pa!

(Rep. Chorus)

3rd Verse:(Kawayan)

Ang yong kamay ay hindi ko na bibitawan

Pag kakapit ko'y hihigpitan at di na kita papakawalan

Kahit sa isip di ko magawa

Kahit sa isip di ko magawang pakawalan

Kapag sinta dito sakin ika'y mahalaga

Kaw ang hangin ng'king hinihinga

Baliwala na mawala sakin lahat at wag lang ikaw

Ako'y ligaw kung di kita nakakasama

Ikaw aking ilaw nagbibigay buhay at kulay na tunay ligaya

Magpakailanman

(Curse One)

Ako ang Prinsepe mo, Tagapagsilbe mo

Pagkat ang puso ko sayo ako'y alipin mo

Kung pwede lang sana silipin mo ng makita mo ang pangalan na

Kusang nakaukit sa puso ko at

Ang mahalin ka ng sobra'y di ko sinadya hawakan mo aking kamay

Di mo kailangan mangamba halika tayo ay maglalakbay

Sa mundo na kung saan tayong dalawa lang at walang magulo

Mahal na mahal kita sana'y malaman mo!.