Standard (EADGBE)

Intro

Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig

Nagisnan ang ilog na itim ang tubig

Lumaking paligid ng bundok na umuusok

Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok

Ito ang buhay ng anak ng Pasig

Pa-swimming-swimming sa itim na tubig

Playground lang ang bundok ng basura mo

Musika'y ugong ng kotse at bangka n'yo

Chorus 1

Anak ng Pasig naman kayo

Kalat doon, kalat dito

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason din ang ilog ko

Akala ko'y ganoon talaga ang mundo

Hanggang nakakita ako ng lumang litrato

Di maniwalang Pasig din ang tinitignan ko

Kaibigan, ano ang nangyari dito?

(Repeat Chorus 1)

Chorus 2

Anak ng Pasig naman kayo

Tapon doon, tapon dito

Di n'yo alam ang itinatapon n'yo

Ay bukas ko at ng buong mundo

Bridge

Huli na ba ang lahat?

Patay na ba ang ilog at dagat?

Kapag Pasig ay pinabayaan

Parang bukas ang tinalikuran

(Repeat Chorus 1 moving chords 1/2 step

higher)

(Repeat Chorus 2 moving chords 1/2 step

higher)

Anak ng pasig naman kayo

May bukas pa ang ating mundo