Standard (EADGBE)

Kung ang dasal sa Maykapal

Tuwing sasapit ang dilim

Nangangambang walang sagot

Ang iyong hiling

Ramdam mo'y may pag-iling

Narungisan di mahugasan

Mukhang di maipagyabang

Nangangating mga paa

Di sadyang tumagos

Sa kanyang kinalalagyan

Koro:

At ilan pang mga kamay sa 'yo'y hahaplos

Puri mong naghihintay na may tumubos

Salamin sa tabi

Naglalarawan ng pait

Ala-alang nangingibabaw ng sakit

Pilit mong inuuwi

Sa 'yong langit

May linlangan sa paghabi

Sa saplot ng iyong pinakakukubli

Di mo sadyang tumagos

Sa iyong kinalalagyan