Standard (EADGBE)

Intro

Di ba tayo'y narito upang maging malaya

At upang palayain ang iba

Ako'y walang hinihiling, ika'y tila ganoon din

Sadya'y bigyang-laya ang isa't isa.

Chorus

Ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam

At habang magkalayo, papalapit pa rin ang puso

Kahit na magkahiwalay, tayo'y magkasama

Sa magkabilang dulo ng mundo.

Ang bawat simula ay siya ring katapusan

May patutunguhan ba ang ating pagsinta

Sa biglang tingin, kita'y walang kinabukasan

Subalit di malupit ang pag-asa.

Repeat Chorus except last word

...mundo.

Sa magkabilang dulo ng mundo...