Standard (EADGBE)

Intro

(.p. - - - - )

Verse1

(.p. - - - - )

'Di ko mapigilang ngumiti 'pag ika'y nakikita

Para kang isang regalong nagbibigay saya

Nagtataka kung anong hiwagang meron ka

Sana ang nadarama ay 'di na lumipas pa

Verse 2

(.p. - - - - )

Para bang namamasyal sa ulap tuwing kasama ka

Pati mga problema ko'y biglang limot ko na

Ang oras ay biglang natrapik, biglang humihinto

Sulit ang bawat minutong ika'y naririto

Chorus

(.p. - - - - )

Kay sarap isipin na nariyan ka

'Pag ako'y nalulumbay

Basta't kasama ka

Lahat ng bagay ay puno ng kulay

Verse 3

(.p. - - - - )

Naririnig ang daloy ng tubig

At ihip ng hangin

Sa piling mo'y naglalakbay ako

At nananaginip

Verse4

(.p. - - - - )

Ano bang meron ka at ako'y naakit mo

Mapungay ang mata kapag ika'y kasama ko

Basta't kapiling ka, ako ay ayos na

At sa bawat gitgit, iyong makikita na mahal kita

[Repeat CHORUS]

(AD LIB)

[Repeat CHORUS]