Standard (EADGBE)
Intro
Nang una kang makita, alam mo ba sinta
Ako ay nagalit dahil masungit ka
Ngunit hindi naglaon, nakilala rin kita
Marunong ka rin naman palang tumawa
At nang kita'y kausapin ako'y nangangamba
Na baka ika'y magalit at umiwas ka sinta
Ngunit ako'y namangha dahil sa 'yong pinakita
Hindi ka naman pala totoong suplada
Chorus
Minahal kita
Hindi lang dahil maganda ka
Minahal kita
Hindi rin dahil mahinhin ka
Minahal kita
Lalong hindi dahil mayaman ka
Minahal kita
Sa taglay mong pambihira
Adlib: ----; (2x)
Minsan ako'y lumisan, akala ko hirang
Iyong kalilimutan ang bakas ng suyuan
Ngunit aking nalaman buhat sa isang kaibigan
Ginagabi ka raw sa ating tagpuan
(Repeat Chorus 2x)
Minahal kita
Sa taglay mong pambihira
Minahal kita
Sa taglay mong pambihira