Ad loading…

Standard (EADGBE)

 (Refrain - - - )

Verse 1

Dahan-dahang lumalamig

ang ulap ay nahahawi

ang isip kong nasasabik

sa piling mo't mga halik

bakit ba dumadalangin

ang isip kong hatid ng hangin

mga ibon ay umaawit

naghihintay na magbalik

Refrain 1

Bakit ba lumalayo

ang puso kong alay sayo

pangako kong ikaw lamang

ang iibigin ng buo

Chorus 1

Sana ay malaman mo

lahat ng ito'y para sayo

kahit na malayo na tayo

at kahit na nagdaramdam

nang ika'y pakawalan

mahal parin kita aking sinta

Verse 2

Unti-unting lumalapit

pagsubok ng ating langit

ang puso kong nasasabik

sa isip na makabalik

Ano bang aking sinasabi

binibigkas ng aking labi

maglalabasan sa tanghali

makita ka'y nasasabik

Refrain 2

Bakit ba umasa pa

sa puso ko'y mayrong kaba

kahit na masaktan pa

basta't iniibig kita

Chorus 2

Sana ay malaman mo

lahat ng ito'y para sayo

pigilan man ika'y masusundo

at kung hindi para sayo

bat may puwang sa puso mo

Sana ay mahal mo rin ako

Repeat chorus 1 and 2