Ad loading…

Standard (EADGBE)

Intro

BERSO I

Naririnig mo ba kami aming Bathala?

Sa mga hampas ng alon sa lambat

Sa taghoy ng araro at ng kalan

Sa mga siwang ng bubong at dingding

KODA

Laganap ang lason sa daigdig

Naghihingalo ang ating panaginip

 Ang sambayanan ay naghihirap

 Walang awit ang mga pangarap

KORO

 Kami ang mga anak ng hangin

 Tagapagdala ng mga hinaing

 Ng sangkatauhang ngayo’y humihiling

 Na ang kanilang dasal ay dinggin

Instrumental

BERSO II

Sa bitak na lupa ng tagtuyot

Sa dagundong ng baha at ng bulkan

Sa mga pasmadong katig at layag

Ng mga bangkang nilamon ng laot

KODA

Laganap ang lason sa daigdig

Naghihingalo ang ating panaginip

 Ang sambayanan ay naghihirap

 Walang awit ang mga pangarap

KORO

 Kami ang mga anak ng hangin

 Tagapagdala ng mga hinaing

 Ng sangkatauhang ngayo’y humihiling

 Na ang kanilang dasal ay dinggin

KORO

 Kami ang mga anak ng hangin

 Tagapagdala ng mga hinaing

 Ng sangkatauhang ngayo’y humihiling

 Na ang kanilang dasal ay dinggin

 Ay dinggin