Standard (EADGBE)
1ST Stanza
Marahil ngay kay sarap maidlip at di na magising
Lalo sanlaksa ang hirap at sakit sa dibdib
Marahil ngay kay sarap panawan ng bait kahit na sandali
Ng mamanhid ang puso sa hapdi at kirot dulot ng sari-saring isipin
Ang luha ay di na mapatid
at ang bukas ay tila isa na namang
nakahahapo at mabigat na pasanin
Refrain
Ngunit may sumpang binitiwan
na di ko kailanman ninasang talikuran
Batid ko ang magbata ang magtiis ay di maiiwasan
, sus4
upang ang pangako Moy aking makamtan
Chorus
Kayat/Pagkat sa tuwing tila umaandap na ang pag-asa
Sa malawak mong langit yaring uloy itinitingala
Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama
-
Habang sa tuwina nanganganlong at may Pagtitiwala sa Iyo
2nd Stanza
Marahil ngay ang lahat ng ito aking babaunin
ng marating ang langit Mong tahanan
na paraisong pinapangarap
Pagkat nais kang masilayan
Makapiling ka sa ligayang wagas
at ang hapis ay isa na lang nakalipas
Repeat Refrain & Chorus
Bridge
Bawat pagluha ay aaring yaman
Bawat pait, saklap ay aaring tamis
Bawat alimura aaring puri
sus4
Bawat dusa yayakapin at ipagpapasalamat
Repeat Chorus
Habang sa tuwina nanganganlong at may Pagtitiwala sa Iyo
add7/
Ooohh
sus4
Ikaw ang tanging nalalabing
PAG-ASA