Standard (EADGBE)

Pag-ibig ko sayo’y ipinaglaban ko na

Ginawa ko ng lahat para sayo sinta

Ngunit bakit ba ganyan hindi mo ba napupuna

Na ang pag ibig ko sayo’y lumalala na

Ilang beses mo na rin akong pinapaiyak

Na di mo rin namamalayan na napapahiya

Sa tuwing kasama mo’y iba ako’y nasasaktan

Tila bang nawawala na ang pagmamahalan

Wala ng kiss pati gudnyt kapag hinahatid ka

Tapos sasabihin mo ako’y iyong mahal pa

Baby girl alam mo ba ako’y nahihirapan na

Pero di pa rin susuko dahil sa mahal kita

At kahit na ako’y masaktan para lang ako sayo at di kita iiwan

Dinadalangin ko sana tayo ay magtagal

Patutunayan ko sayo kung gaano kita kamahal

Chorus

(Baby koh) tanging ikaw lang ang iibigin ko

Di kita pababayaan di luluha giliw ko

Sana ako ay balikan sana ako’y pakingan mo o giliw ko

At kahit na balang araw ako’y iwan mo

Di pa rin magbabago ang puso ko

Ako’y para sayo o giliw ko

Kahit may ibang mahal kana sa puso mo

Ang makasama ka parati ay masaya

Alam mo yan noon pa man sabik sa’yong ganda

Mga ngiti mo at tawa na walang kasing lupet

At ang pagtitinginan na walang kapalet

Sa bawat pagdaan ng mga araw ay napuna

Unti unting lumalamig ang puso ko sinta

Gagawin ko ang lahat bhe para lang sayo

Susundan kita kahit ika’y ngayon lumayo

At pahirapan man ako ng walang katapusan

At kung ako’y ipagpalit handa akong masaktan

Pumatak man ang luha sa aking mga mata

Pupunasan ko ito ng di mo mahalata

Na ako’y nasasaktan kapag lumalayo ka

At iniiwan mo akong nag iisa sinta

Malaking katanungan nya sa akin na’to

At kung ako’y iyong mahal sana di na lumayo

(repeat chorus)

Bakit ba kailangan na ako ay saktan

Di mo ba sinasadya bakit dinadalasan

Ang pananakit mo sakin na tagos hangang buto

Dahil sa mahal kita handa kong tiisin yon

Ganyan parati ang sakit sa tuwing binibigkas mo

Ang salitang I love you 2 parang nakakalito

Minsan inisip kong sumuko ng di masaktan

Ngunit anong magagawa ikaw ay aking mahal

Ang tangi kong magagawa’y pangalagaan kita

At bibigay ang buong buhay ko sayo sinta

Kada oras, kada minuto’y babantayan

Ayaw lang naman kasi kitang masaktan

Walang ibang hangad kundi ang mahalin ka

At ibigay ang buong buhay ko sayo sinta

Para lang ako sayo at di kita iiwan

Patutunayan ko sayo kung gaano kita kamahal

(repeat chorus 2x)