Standard (EADGBE)

030030 022000

000232 002220

022030 X24442

? 320030 320003

032010 002210

Intro

Verse 1

Isang anghel ang naglalakad

Kasabay ng isang taong nagkasala

Sino yun kaya?

At hindi ko napapansin kung ano siya talaga

Isa palang anghel

Baka walang pakpak

Verse 2

May pagduda sa isip ko. O bakit nga ba,

Siya naririto, kinakausap ako?

Hindi ba dapat sa sarili ay magbago?

O bakit parang tinutulungan niya ako?

Pre-chorus 1

Nung una kaming nagkakilala

Sabi ng isip, ako’y aayawan

Sabi ng puso, huwag kong lalapitan

Sabit ng loob, dahan dahan lang

Hindi ko alam kung anong susundan

Ang tama sa akin o para sa kanya?

Takot akong siya’y masaktan

Baka ng karma ako’y balikan

Chorus 1

Lumipad gamit ang iyong pakpak

Na sakaling tinatago

Abutin ang ulap at ang araw sa

Ibabaw ng ulo ko

Hiling ng aking puso ay ang

Simpleng pagkakataong

Mahawakan kahit sandali

Ang kamay mo

Verse 3

Isang anghel ang nagtataka

Kung siya nga ba ay aking tunay na

Minamahal

Wala akong sikretong kayang itago

Mula sa anghel

Na nagtatanong

Verse 4

Ang hindi lang niya alam na katotohanan

Ay ang tunay

Kong nararamdaman

Pero siya’y isang anghel na nagsisiguro

Sa kung ano ang laman ng puso ko

Chorus 2

Sumayaw kasabay ng aking boses

At ng gitara ko

Bigkasin ang tula at ang kuwentong

Laman ng puso mo

Gulo ng aking isip

Kayang kaya mong paalisin

Basta ipakita kahit sandali

Ang ngiti mo

Bridge

Verse 5

Isang anghel ang napatawa

Nung akala niya na sasabihin ko

Na mahal ko siya

Kung alam lang niya kung kailan ko sasabihin

Sa isang anghel

Ang katotohanan

Pre-chorus 2

Ang tamang oras ay

Bago ang aking kamatayan

Chorus 3

Lumipad gamit ang iyong pakpak

Na sakaling tinatago

Abutin ang ulap at ang araw sa

Ibabaw ng ulo ko

Hiling ng aking puso ay ang

Simpleng pagkakataong

Mahawakan kahit sandali

Ang kamay mo

Lumipad

Abutin ang ulap at ang araw

Outro