Standard (EADGBE)

Intro

Chorus

Ako'y isang mabuting Pilipino

Minamahal ko ang bayan ko

Tinutupad ko ang aking mga tungkulin

Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

pause

Tumatawid ako sa tamang tawiran

Sumasakay ako sa tamang sakayan

Pumipila at di nakikipag-unahan

At di ako pasiga-siga sa lansangan

Nagbababa ako sa tamang babaan

Hindi nakahambalang na parang walang pakialam

Pinagbibigyan ko'ng mga tumatawid sa kalsada

Humihinto ako pag ang ilaw ay pula

(Chorus)

Hindi ako nangongotong o nagbibigay ng lagay

Tiket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay

Ako'y nakatayo doon mismo sa kanto

At di nagtatago sa ilalaim ng puno

Hindi ako nagkakalat ng basura sa lansangan

Hindi bumubuga ng usok ang aking sasakyan

Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan

Inaalagaan ko an gating kapaligiran

(Chorus)

Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang

Kaya't pag-aaral ay aking pinagbubutihan

Hindi ako gumagamit ng bawal na gamot

O kaya'y tumatambay at sa eskwela'y di pumapasok

(same chords)

Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan

Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan

Di ko ibinebenta an gating kinabukasan

Ang boto ko'y aking pinahahalagahan

(Chorus 1 step higher)

Ako'y isang tapat at totoong lingkod ng bayan

Pabor o lagay ay di ko pinapayagan

Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan

Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan

Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino

Mga karapatan nila'y kinikilalako

Iginagalang ko ang aking kapwatao

Ipinaglalaban ko dangal ng bayan ko

(Chorus)

Pagkat ako'y isang mabuting Pilipino...