Standard (EADGBE)

bumangon ka na diyan at baka ika'y kapuyin

ipunin na ang tubal at ito'y ating usungin

pagpanaog dahan-dahan at huwag tutulog-tulog

mahina na ang hagdanan at baka ika'y mahulog

(stanza chords)

salaula sa babag bente nuebe balisong

paglamon o bakbakan siguradong di uurong

bulalo lumi at balatong purunggon at tutong

huwag mong sasayangin siguradong mabubusong

tumatagurtor na ang tuhod ko pare

walangjo naging nerbyoso dahil sa kapeng barako

idaan mo na lang sa gin ala e with ice na rin

babarik babarik babarik nang babarik batangas coffee ala e

(stanza chords)

ano ba'ng iyong problema maglaro ka't maglibang

bayuot ang iyong mukha aba'y hindi dapat gay-an

gusto mo gang mag-jolen basketbol teks sa daan

kakam baliw ay iwasan at mamahaw ka na laang

(stanza chords)

ang galapong ay isalang at sa medyas ay salain

pagkatapos patiningin ay iulam mo sa kanin

bulalo lumi at balatong purunggon at tutong

huwag mong sasayangin siguradong mabubusong