Standard (EADGBE)

pagpasensiyahan nyo na kung kami'y nanggugulo

ganyan lang talaga tuwing kami'y namamasko

walang pakialam kung san mapadaan

basta't mayrong mga mapagkakakitaan

may bitbit na gitara para sa'ming pagkanta

mayrong dalang tubo baka may manghabol na aso

tanggap naman namin na kami ay sintunado

pero naman lolo please lang wag kang mambabato

Chorus

paminsan-minsan lang naman ang trip na 'to

paminsan-minsan lang naman din ang pasko

hindi na dapat pinag-iisipan pa

lahat tayo ay dapat magsaya

stanza2: (do stanza chords)

hapon pa lang nagkakaroling na kami

tinatanggap namin maging dyis man o bente

di na kailangan pang mahusay ang pagkakanta

basta't sabay-sabay kami at sama-sama

magkano na kaya ang aming naipon

ayos lang kahit magkano basta't may pang-inom

ilang bahay na lang mayron nang pampulutan

tapos sa bahay ko kami mag-iinuman

(chorus)

Bridge

(do stanza chords)

di na yata magsasawa saming pagsasama-sama

at sa aming pagkanta asahan na maraming kita

at kami ay sigurado na panandalian laman 'to

alam naman namin na di nga araw-araw ang pasko