Standard (EADGBE)

Intro

Verse

Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik

Tatawagin kang kaibigan na pinamatalik

Pupulupot sa leeg mo't sipsip ng iyong dugo

Ipapako ka sa krus pag ikay natuyo

Pre-chorus

Sa gitna ng kagubatan may kumukulong bulkan

Di mapigil ang yabang at sakdal ng kasakiman

Susubukang angkinin ang lahat ng hindi kaya

Kung kaya kang paikutin tiyak paiikutin kita

Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob

Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog

Lumiyab ka

Lumiyab ka

Verse

Sa gitna ng kadiliman may buwitreng nagmamasid

May magbabato ng putik ngunit walang mayayanig

Iiyak ang mga batang nahulugan ng kendi

Lahat ng mga problema sa iba sinisisi

Pre-chorus

Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik

Itinuring mong kaibigan na pinamatalik

Leeg mo'y pupulutan, dugo mo'y sisipsipin

Pag wala ka ng pakinabang ednign mo'y sa bangin

(repeat chorus)

Bridge

Tuwing hating gabi

Maririnig mo ang huni ng mga kaluluwang naliligaw

Lahat ng pera sa mundo

Hindi kayang gawing gintp ang huwad na tao

Ang mga tinig palakas ng palaks

Hanggang gumuho ang mga hadlang

Chorus

Saksi ang langit sa lahat ng naganap

Saksi ang langit sa ikalawang yugto

Lumiyab ka

Lumiyab

Sa ngalan ng katotohanan

Sa nagalng ng iyonh dangal

Ang puso mo't iyonh isipan

Alalay mo sa mAykapal