Standard (EADGBE)

Ano ang kulay ng paglimot?

Isasalin ko sana sa bughaw na nadarama

Naghahabi ng paghilom

Buhay natin ang tema

Alaala ang tinta

Simple lang ang buhay noon

Lahat ng bagat abot ng sang kamay

Himbing natin sa gintong nakaraan

Paminsan-minsan lamang balikan

Isipin mo nalang may taong wala ng meron ka

Pero sumasabay sa ikot ng mundo

Sekreto ng buhay ay wala sa mga tala

Muli natin balikan ang simula

Muli nating balikan ang simula

Sayang

Hanggang remenis nalang

Sayang

Hanggang remenis ka lang

Tama nang sisihan

Lahat nama'y nagkulang sa

Kanya-kanyang paningin

Kanya-kanyang paningin

Hawak mo na ang mahiwagang alas

Sasama ka ba o kusang aatras?

Simple lang ang buhay ngayon

Manalig ka, O diyos lang ang siyang gabay!

Gintong pangako

Sayang

Hanggang remenis nalang

Sayang

Hanggang remenis ka lang

Isipin mo nalang may taong wala ng meron ka

Pero sumasabay sa ikot ng mundo

Sekreto ng buhay, nasa tibay ng samahan

Sinimulan

Inaalagaan

Pinaninindigan

Muli nating balikan ang simula