Standard (EADGBE)

Intro

Bulag ang pag-ibig kasabihan na sa atin

Ngunit para sa 'yo ang pag-ibig ko ay duling

Pagkat dalawang beses ako sa 'yo may pagtingin

Kaytindi ng 'yong dating sa puso't damdamin.

Sa tunay kong pagmamahal natotorpe sa 'yo

Mukhang pinasukan ng daga ang puso kong bato

Dahil alam ko rin walang ibubunga ito

Natatakot akong mawala ang isang katulad mo.

Chorus

Lakas tama! Ako'y nawawala

Nawawala ang isip ko pag nakikita ka, sinta

Lakas tama! Ako'y nawawala

Nawawala ang isip ko pag nakikita ka,

(break) (pause)

sinta.

Ad lib: ----; (2x)

(1st verse chord pattern)

Mga kamay ko ay nanginginig na sa iyo

Na makayakap ka sa tuwing giniginaw ako

At ang iyong labi na sa akin ay tumutukso

Kailan mahahagkan nang matapos na ang gulo?

(1st verse chord pattern)

Sa pagputi ba ng uwak mo ako sasagutin

Kung ang kulay ko nga ay kayhirap paputiin

Ipagpatawad mo na lang kung agad kang mahalin

Gan'to ako kung umibig medyo napa-praning.

Repeat Chorus & Ad lib

Repeat Chorus 2x