Standard (EADGBE)

Chords: ---

Ikaw na ba yan o santa?

Matagal na rin kitang gustong makita

Mula nung ako ay bata pa

Pangarap na kitang makasama

Kya ikaw na ba yan o santa?

Ikaw na ba 'yan o santa

Saming bubong ay dahan-dahan pa

Meron ka bang dala-dala at ako'ng bubuhat, pwede ba?

Sa pag bibigay ng regalo ay tutulungan ka

Refrain

At sasakay sa karwahe na lumilipad sa gabi

Hilang mga reindeer na si Rudolf ang bida sa byahe

Ikaw na ba 'yan o Santa?

Balbas saradong mama at nakapula

T'wing sa pasko ikaw ang kilala

Pero 'di naman nakikita

Kaya ikaw na ba yan o Santa?

(Adlib)

(Repeat Refrain)

Ikaw na ba 'yan o Santa?

Bakit sa mukha ay may medyas ka pa?

At iba ang 'yong kinakarga

Mga gamit namin kinukuha

Pati ang konti kong pera'y dinagit pa

Iba na ngayon si Santa

Nangayayat at mukhang naghirap na

At dapat ng mag-ingat sa kanya

Akyat bahay na ang racket nya

Si Santa Klaws ay magnanakaw na pala.