Standard (EADGBE)

Kung gisingin kita ngayon, baka bigla kang maahon

Sa dagat ng iyong kapayapaan

Habang nakatigil pa ang iyong mundo

Unan ay panlaban sa gulo

Sinisugurong walang gagalaw sayo

Chorus

Kung gabi matulog ka sa king tabi

Di mo lang alam, dala mo'y ligaya

Kung marinig mo ang tibok ng aking puso

Sinasabing habang ika'y kapiling, wala na akong hihilingin

At kung bigla kang di mapakali

Kung pwede lang ako'y mekaniko

At panaginip mo ay kotseng aayusin ko

Kung maari lang kumutan ka, sa ano mang bagyong babadya

Walang laban ang lamig sa init ng ating pag-ibig

(Repeat Chorus)