Standard (EADGBE)

I.---

Sumakay ako sa jeepney

Ikaw ang nakatabi

Di makapaniwala

Parang may hiwagang nadama

Nang tumama sa'yo

Ang aking mga mata

At nagsiksikan na

Dahil tumigil ang jeepney

Sa tapat ng eskuwela

Biglang nagkadikit

Puso ko'y biglang sumikip

At natulala

Sabi nila'y walang hiwaga

Kung wala'y

Ano itong nadarama

Cho. ---

Ayoko nang pumara kahit san mapunta

Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama

Ayoko nang pumara

Ayoko nang pumara

Ayoko na ahhh

Ayoko nang pumara kahit san pa lumiko

Ayoko nang pumara sana di na huminto

Ayoko nang pumara

Ayoko nang pumara

Ayoko na

Kung ikaw ang kasama ahh ahh ahhh..

II. ---

At may biglang sumingit

Natiempo pa sa'ting gitna

Sumimangot tuloy

Ang aking mukha

Mabuti nalang nagbayad yung ale

Sabi nya paabot naman

Nagkadahilan ako

Para ika'y tignan

Nung iaabot ang bayad

Kamay mo na palang nakaabang

Pambihira diba swerte ko naman

Sabi nila'y walang pag-ibig

Kung wala'y

Ba't kumakaba itong dibdib

(Cho.)

III. ---

Manong driver

Wag mo nang ibalik ang sukli ko

Manong driver

Di mo ba alam walang babaan to

Drive lang po ng drive

Wag niyong hihinto

Kahit sa'n mapadpad

Kahit lumipad man tayo

Minsan lang madama

Ang ganito

Pero bigla mong

Hinila ang tali

Sabi mo

"Manong bababa ako sandali"

(Reapet Cho. 2x)

I hope Ok To!!!! :)